^

Probinsiya

Loren 'kinuryente' ng Gordon camp?

-
Naniniwala ang ilang residente ng Olongapo na "nakuryente" si Senator Loren Legarda ng Gordon camp ng mga maling impormasyon ng akusahan nito ang Subic Bay Freeport na nagiging transhipment point ng illegal drugs.

Ayon sa mga residente, naanyayahan kamakailan si Senator Legarda sa Olongapo sa isang okasyon at nabigyan ng mga maling impormasyon tungkol dito.

Nauna rito, nilinaw ng SBMA na mayroong umiiral na Memorandum of Agreement na nilagdaan ni dating SBMA Chair Richard Gordon at FedEx noong 1994 na nagbabawal sa kinatawan ng Freeport na mag-inspect ng mga incoming foreign cargo.

Ang Freeport, ayon pa sa SBMA ay ginagamit lamang na transit point ng FedEx at sinisiyasat ng Bureau of Customs ang mga nilalaman nito sa Manila Point of Entry nito.

Gayunman, nagpahayag din ng pagtataka ang ilang residente sa Olongapo kung bakit inakusahan ang SBMA gayong nahuli ng BOC ang nilulusot na 40 kilo ng shabu sa Manila Point of Entry na dapat sana’y papurihan ang mga ito.

Ayon sa kanila, ang dapat sanang tanungin dito ay ang mga investigating agency na may kaugnayan sa paghabol sa illegal drugs kung ano ang status ng imbestigasyon sa consignee.

Sinabi ng mga residente na sana ay nagtanong man lamang ang senadora sa proseso sa Subic tungkol sa cargo handling inspection ng sa ganoon ay nalinawan niya kung may kapabayaan.

vuukle comment

ANG FREEPORT

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CHAIR RICHARD GORDON

MANILA POINT OF ENTRY

MEMORANDUM OF AGREEMENT

OLONGAPO

SENATOR LEGARDA

SENATOR LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with