Rizal vice-governor nag-oopisina sa kotse
August 17, 2001 | 12:00am
RIZAL CAPITOL Dahil sa kawalan ng opisina na dapat umano ay siya ang umookupa, napilitang gawing opisina ng nanalong Bise-Gobernador ng lalawigang ito ang kanyang kotse nang harangin muli ng Korte Suprema ang kanyang pag-upo sa ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) kamakalawa.
Ipinalabas ng Korte Suprema ang isang Temporary Restraining Order (TRO) na humahadlang sa pag-upo ni Jovita Rodriguez, ng People Power Coalition (PPC) at pansamantalang paupuin sa puwesto si Teodoro OHara ng Nationalists Peoples Coalition (NPC).
Nabatid na nagpalabas ng isang En Banc desisyon ang Comelec noong Hulyo 25 na nagsasaad ng pagkapanalo ni Rodriguez bilang Bise-Gobernador.
Itoy matapos na mabatid ng Comelec na nagkaroon ng dayaan sa bilangan ng boto sa bayan ng Binangonan kaya nadagdagan umano ng higit sa 7,000 boto si OHara sa election returns nito.
Nang suriin ng Comelec ang resulta ng boto sa Binangonan, nabatid na nakakuha lamang ng botong 28,754 at hindi ang dating bilang na 35,754 habang nakakuha naman si Rodriguez ng 18,870.
Sa unang bilangan, lumalabas na nakakuha ng kabuuang boto na 216,298 si OHara laban sa 215,423 ni Rodriguez noong nakaraang eleksyon. Sa muling pagbilang, sinabi ng Comelec na nakakuha lamang ng kabuuang 209,798 si OHara habang nanalo si Rodriguez sa nakuhang 215,422 boto.
Agad namang nagpalabas ng isang resolusyon si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina na nag-uutos na agad na paupuin sa puwesto si Rodriguez noong Hulyo 27.
Iniakyat naman ni OHara ang kaso sa Korte Suprema na nagpalabas ng unang TRO noong Hulyo 31 na muling nasundan nitong Agosto 15. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended