^

Probinsiya

5 adik timbog sa pot session

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Limang kabataang lalaki na pininiwalaang naging sugapa na sa ipinagbabawal na gamot ang naaresto ng Bulacan PNP makaraang maaktuhan na humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang bakanteng lote sa Villamara St., Brgy. Bigte, Norzagaray ng lalawigang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Raymond San Pedro, Jesus Santiago, Domingo Esquivel, Leonard Palad at Rocky Santiago na pawang mga residente ng naturang barangay.

Napag-alaman sa ulat na isinumite kay Bulacan PNP Supt. Edgardo Acuña, kasalukuyang nagpapatrolya ang isang mobile patrol car dakong alas-4:30 ng hapon nang makalanghap ng usok ng pinatuyong dahon ng marijuana ang pulisya na nagmumula sa naturang bakanteng lote.

Dahil sa hinalang may nagsasagawa ng pot session ay minabuti ng dalawang pulis na mag-usisa kaya bumungad sa kanila ang mga suspek na humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana kaya kaagad na dinakip ang mga ito. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BIGTE

BULACAN

DOMINGO ESQUIVEL

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

JESUS SANTIAGO

LEONARD PALAD

RAYMOND SAN PEDRO

ROCKY SANTIAGO

VILLAMARA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with