^

Probinsiya

Mag-asawa kinatay ng 4

-
GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Dahil lamang sa pagtatalo na nauwi sa pikunan ang naging sanhi ng kamatayan ng mag-asawa makaraang pagtulungang saksakin ng apat na kalalakihan na naging kainuman ng mga biktima kahapon ng madaling araw sa Brgy. San Francisco ng bayang ito.

Kinilala ni P/Supt. Guillermo Liquigan, hepe ng pulisya sa bayang ito ang mga biktimang sina Patrosinio, 40, karpintero at asawa nitong si Violeta, Sioco, 44 na kapwa residente ng Sec. E, Block 8, Lot 11 Tropical Village, Kababayan Center ng nasabing lugar.

Samantala, ang mga suspek na ngayon ay nakakulong sa PNP detention cell ay nakilalang sina Narciso Busa, alyas Narcing, 25; Jessie Romediso, 29, isang trike driver; Joel Ilagan, 20, binata, laborer at Federico Hernandez, 37 na pawang mga residente ng Sec. E Blk 6, Lot 10 ng nabanggit na lugar.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Fortunato Pedrasa, may hawak ng kaso, ang mag-asawa at mga suspek ay magkakasamang nag-iinuman sa bahay ni Romedios dakong alas-2 ng madaling araw.

Nabatid pa sa ilang saksi na nagkaroon ng sigawan na nauwi sa mainitang pagtatalo ang kuwentuhan ng mag-asawa at ng mga suspek kaya nagkaroon ng kaguluhan.

Dahil sa lango na ang mga suspek ay pinagkaisahan ang mag-asawa na katayin sa pamamagitan ng mga hawak na patalim. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

E BLK

FEDERICO HERNANDEZ

FORTUNATO PEDRASA

GUILLERMO LIQUIGAN

JESSIE ROMEDISO

JOEL ILAGAN

KABABAYAN CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with