^

Probinsiya

Saleslady, hinalay bago pinatay

-
TAYTAY, Rizal – Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng mga hindi nakilalang suspek ang isang 22-anyos na saleslady na natagpuang patay at walang saplot sa katawan sa isang bangin kahapon ng umaga sa bayang ito.

Kinilala ni Taytay police chief, Supt. Ferdinand Santos ang biktima na si Elvira de Ocampo, dalaga, residente ng Don Enrique Heights, Brgy. Dolores ng bayang ito.

Kasalukuyang hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy report ng bangkay ng biktima upang maberipika ang anggulo ng rape-slay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 William Tecson, huling nakita pang buhay ang biktima dakong alas-10 kamakalawa ng gabi. Kasama nito ang kanyang tiyuhin na si Napoleon de Ocampo, 54, sa isang burol ng isa nilang kaibigan.

Nabatid na nagpaalam umano ang biktima sa kanyang tiyuhin na uuwi na dahil sa inaantok na ito at may pasok pa sa trabaho kinabukasan. Pinayagan naman ito ng kanyang tiyo.

Dakong alas-5 ng umaga, nagtungo umano ang matandang de Ocampo sa bahay ng biktima upang siguruhing nakauwi ito ng maayos. Ngunit walang sumasagot sa bahay at ipinalagay nito na natutulog na.

Bandang alas-9 naman ng umaga nang matagpuan ng isa nilang kapitbahay na si Rene Solatario ang bangkay ng biktima sa isang bangin malapit sa isang highway. Nabatid pa na isinubo ng mga suspek ang short at panty ng biktima sa bibig upang hindi umano ito makasigaw habang nilalapastangan.

Nangako naman si Supt. Santos na isang masusing imbestigasyon ang isasagawa upang malinawan ang kaso at maaresto ang mga suspek na may kagagawan ng karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BANDANG

BIKTIMA

BRGY

DANILO GARCIA

DON ENRIQUE HEIGHTS

FERDINAND SANTOS

NABATID

OCAMPO

RENE SOLATARIO

WILLIAM TECSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with