^

Probinsiya

Malupit na mister, napatay ni misis

-
SAN JOSE, Camarines Sur – Isang mister ang iniulat na pinagtataga hanggang sa mapatay ng kanyang sariling misis matapos na hindi na makayanan ng huli ang pagmamaltratong ginagawa sa kanya ng una, kamakalawa ng hapon sa Brgy. San Antonio sa bayang ito.

Nakilala ang nasawing mister na si Manuel Valencia, 56, obrero, at residente sa nabanggit na lugar.

Samantala ang suspek na misis na boluntaryo namang sumuko matapos mapatay ang mister ay nakilalang si Zenaida Valencia, 57.

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong ala-1:45 ng hapon nang umuwing lasing ang mister sa kanilang bahay.

Sa walang kadahi-dahilan ay binalingan nito ang kanyang asawa na pinaggugulpi.

Binanggit pa sa ulat na hindi lamang noon nangyari ang ganoong pagmamaltrato ni Manuel sa kanyang asawa. Ayon sa report palagi na lamang sinasaktan nito ang kanyang misis lalo na kung ito ay lango sa alak.

Kamakalawa ay lalong tumindi ang ginawang panggugulpi ng mister sa kanyang asawa na posibleng hindi na nakayanan pa ng huli kung kaya dali-dali itong nagtungo sa kusina at kumuha ng itak at saka sinundan nito ang kanyang mister sa kuwarto at doon pinagtataga hanggang sa mapatay.

Binanggit pa ng sumukong misis na matagal na umano niyang pinagtitiisan ang ginagawa sa kanya ng asawa, subalit kamakalawa ay pinagdimlan na rin siya ng kaisipan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BATAY

BINANGGIT

BRGY

CAMARINES SUR

ED CASULLA

ISANG

MANUEL VALENCIA

SAN ANTONIO

ZENAIDA VALENCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with