^

Probinsiya

Pulis binoga ng vendor, grabe

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) matapos na agawan ito ng armas at pagbabarilin ng isang nagwawalang vendor na nakaaway nito sa naganap na insidente sa Angeles City kamakalawa.

Kinilala ang nasugatang pulis na si PO3 Tammy Simon Mangabat, nakatalaga sa Police Station 1 ng Angeles City Police.

Agad namang inaresto ang nakabaril ditong sidewalk vendor na nakilalang si Ausari Pacalundo.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-11:50 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng Fortaleza Beauty Center, Plaridel St., Angeles City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon kasalukuyang pinaalis ni Mangat ang mga vendors sa Sapang Balen Bridge bunga na rin ng nagiging sanhi ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko sa nasabing lugar.

Gayunman, tumanggi umano si Pacalundo na lisanin ang lugar dahil dito kumukuha ng ipinambubuhay sa kanyang pamilya.

Dito’y nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Mangabat at ng sidewalk vendor na si Pacalundo.

Bigla na lamang umanong inagaw ni Pacalundo ang .38 caliber revolver ni Mangabat at pinagbabaril ito na napuruhan sa leeg.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang naturang kaso habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa naarestong suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE

AUSARI PACALUNDO

CAMP CRAME

FORTALEZA BEAUTY CENTER

JOY CANTOS

MANGABAT

PACALUNDO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PLARIDEL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with