11 BIFF fighters sumuko sa militar
MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa tropa ng militar sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Martes ang nasa 11 miyembro ng mga ekstremistang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Sa ulat ni Lt. Col. Mark Anthony Tonalejo, Commanding Officer ng Army’s 38th Infantry Battalion (IB), ang 11 BIFF extremists ay sumuko sa kanilang tropa at iprinisinta kay Army’s 601st Infantry Brigade Commander Brig.Gen. Gremel Brual sa ginanap na seremonya sa kanilang himpilan.
Ayon sa opisyal, lima sa mga nagsisuko ay mula sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha, apat mula sa Rajuan Buayan at dalawa naman mula sa Datu Salibo.
Inihayag nito na siyam sa mga sumuko ay dating miyembro ng BIFF habang ang dalawa pa ay mga kaalyado ng mga teroristang Dawlah Islamiyah (DI).
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing interogasyon ng tropa ng militar ang nagsisukong mga ekstremista.
- Latest
















