Marami pang magsasampa ng reklamo vs PGMN - NBI chief
MANILA, Philippines — Marami pa umanong magsasampa ng harassment at extortion katulad na nangyari kay dating House Speaker Martin Romualdez laban sa Peanut Gallery Media Network (PGMN).
Ito ang isiniawalat ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag dahil sa pagdagsa na tawag na kanyang natatanggap mula sa ilang personalidad at mga dating opisyal ng gobyerno hinggil sa katulad na karanasan nila kay Romualdez nang kapanayamin ito sa isang programa sa telebisyon noong Sabado, isang araw matapos pansamantalang mapalaya si PGMN CEO Franco Mabanta at apat pang kasamahan.
“Ito seryoso. No’ng nabalita ‘yong pagkaaresto ni Franco Mabanta walang biro, tawag at text mga 200 yung tumawag na trying to insinuate na may nangyari din sa kanila. Hindi diretso, sinasabi ‘buti naman gawain talaga nila ‘yan,” ani Matibag.
Ipinaliwanag din ni Matibag na kahit nakapag-piyansa sina Mabanta, patuloy pa ang malalimang imbestigasyon at hawak nila ang mga mahahalagang ebidensya kabilang ang mga nakumpiskang gadget na isasalang sa forensic investigation upang matukoy ang lawak ng raket na maaaring magsangkot pa sa mas maraming personalidad.
Kakalkalin din ng NBI ang financial activities ng PGMN para maka-survive ang kanilang network, ano ang ibinabayad sa BIR, at kung sino ang advertiser.
- Latest



















