^

Police Metro

Leviste binantaang gagawan ng kaso kapag inilabas ang Cabral files

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Batangas 6th District Rep. Leandro Legarda Leviste na siya ay pinagbantaan na ng ilang maiimpluwensiyang opisyal sa gobyerno na gagawan ng mga kaso kapag inilabas niya ang files ni da­ting DPWH Undersecretary Ma. Catalina Cabral.

“Manahimik na lang daw ako para sa sarili kong kapakanan.Wala akong nakuhang kahit piso mula sa gobyerno.Ang aking pera ay nagmula sa pribadong negosyo”, saad ni Leviste.

Ang Cabral files ay naglalaman ng pagsi­singit ng pondo sa ghost flood control projects at iba pang mga proyekto ng DPWH na ang mga nagproposiyon ay mga Kongresista, Senador, Undersecretaries at Exe­cutive Secretaries sa palasyo ng Malacañang.

“Paumanhin po sa mga natatamaan pero ang ipinaglalaban ko lamang ay ang katotohanan. Lubos ang aking pasasalamat sa mga nananawagan para sa transparency sa paggamit ng pondo ng taong bayan”, wika ni Leviste.

LEANDRO LEGARDA LEVISTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with