^

Police Metro

Trust at Performance ratings nina Pangulong Marcos Jr. at VP Sara, bumaba

Mer Layson - Pang-masa
Trust at Performance ratings nina Pangulong Marcos Jr. at VP Sara, bumaba
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Vice President Sara Duterte answer questions from the media during the kickoff of Brigada Eskwela 2023 at Victorino Mapa High School in Manila on August 14, 2023.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Bumulusok ang trust at performance ratings nina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa ikatlong bahagi ng taong 2025, ayon sa ulat ng OCTA Research Group.

Batay sa resulta ng pinakahuling Tugon ng Masa Survey, na isinagawa ng OCTA, nabatid na nakapagtala si Marcos ng 7 puntos na pagbaba sa kanyang ratings, na nasa 57% kumpara sa 64% na nakuha niya noong Hulyo 2025.

Bumaba rin naman ng walong puntos ang performance ratings ng pangulo at naging 54% na lamang, mula sa dating 62% noong Hulyo at nakapagtala ng 26% dissatisfaction ratings.

Si VP Sara naman ay nakapagtala ng mas maliit na pagbaba ng trust ratings na nasa tatlong puntos, o mula 54% noong Hulyo 2025 ay naging 51% na lamang sa pinakahuling survey.

Nakakuha siya ng pinakamataas na trust ratings mula sa Min?anao na nasa 84%, na sinundan ng Visayas na nasa 63%.

Isang puntos lamang naman ang ibinaba ng performance ratings ng bise presidente na mula sa 50% noong Hulyo 2025, ay naging 49% sa huling survey, at may 26% na dissatisfaction rating.

 Nabatid na ang survey ay isinagawa ng OCTA nationwide mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, sa may 1,200 respondents, sa pamamagitan ng face-to-face interviews.

TRUST RATING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with