^

Police Metro

Marcos sa DPWH, DBM: Taasan kapasidad sa San Juanico Bridge

Gemma Garcia - Pang-masa
Marcos sa DPWH, DBM: Taasan kapasidad sa San Juanico Bridge
Local tourists pose for souvenir photos at San Juanico Bridge in Tacloban City on March 15, 2025.
Noel Pabalate / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — “Maitaas hanggang 33 metriko tonelada ang kapasidad ng mga maaaring dumaan sa kinukumpuning San Juanico Bridge”.

Ito ang nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanyang inihayag sa dinaluhang aktibidad sa Palo, Leyte sa harap ng patuloy na rehabilitasyon ng San Juanico Bridge.

Ayon sa Pangulo, inatasan na niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Budget and Management (DBM) na humanap agad ng solusyon upang mabawasan ang sakripisyo ng mga mamamayan at motoristang dumaraan sa tulay.

Bago matapos ang taon ay maaari nang dumaan ang mga sasakyang nasa 12 metriko tonelada ang bigat tulad ng bus at van at ayon sa Pangulo ay mahigit kalahating bilyong piso ang pondong inilaan para maibalik sa 12 metric tons ang load ng maaring dumaan sa darating na Disyembre.

Masaya ring ibinalita ng Pangulo na batay sa report sa kanya ng Philippine Coast Guard, isang oras na lamang ang paghihintay ng mga truck na may dalang perishable goods tulad ng mga gulay para makatawid sa dagat, habang dalawang oras na lamang ang paghihintay para sa non-perishable goods.

Dati ayon kay Pangulong Marcos Jr. ay inaabot ng tatlo hanggang apat na araw na paghihintay ang mga truck na may kargang mga gulay at ibang produkto para makatawid sa San Juanico Bridge gamit ang sasakyang pandagat.

SAN JUANICO BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with