^

Police Metro

17-anyos babaeng taekwondo student naratay sa ospital

Ludy Bermudo - Pang-masa
17-anyos babaeng taekwondo student naratay sa ospital
File photo shows a taekwondo jin.
Unsplash / Released

Yellow belter lang inilaban sa lalaking blackbelter

MANILA, Philippines — Nais ng Philippine Taekwondo Association na imbestigahan ang insidente ng pagkaka-ospital ng isang 17-anyos na babaeng yellow belter o nagsisimula pa lamang matuto nang ilaban sa isang lalaking black belter, sa Bulacan.

“In our Philippine Teakwondo community, the safety and well-being of our students and coaches are always our highest priorities. The The Philippine Taekwondo Association (PTA) has been notified about this incident and we have initiated our primary investigation, working closely with our PTA Officers and PTA Regional Directors. Rest Assured that we are taking matters seriously. We are working within our jurisdiction in determining the facts of the events to ensure accountability within our community…” ayon sa press statement ng PTA.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News nitong Martes, nitong Pebrero nang maganap ang sparring session ng estudyante ng  Jesus Is Lord Colleges Foundation Inc. kung saan kamuntik nang ikamatay ang mga natamong  mga pasa at pamamaga ng mukha bunga ng matin­ding bugbog mula sa isang mas mabigat, matangkad at black belter na nakalaban, batay na rin sa inilabas na video.

“Muntikan na po ako mamatay dahil sa bugbog. Binugbog ako na wala akong laban. ‘Di ko kaya lumaban wala ako magawa sa sarili ko kasi pinartner ako sa lalaki na mas mabigat sa akin 70 kilos, black belter pa. Kakasimula ko lang po,” ayon sa biktima sa panayam ng GMA News.

Naghain na rin ng reklamo kaugnay sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act ang pamilya ng biktima laban sa coach na sinasabing  responsable sa pangyayari.

Paniwala ng pamilya ng biktima, sinadya ng coach ang di patas na sparring match dahil sa selos.

“Sinadya po dahil may gusto siya sa anak ko. Meron daw pong biglang inaakap siya, inaakbayan, tapos inaaya siya kumain sa labas, magkape nang sila lang dalawa. Sabi ko ‘di na normal yun,” pahayag ng ina ng biktima sa GMA News.

Hindi umano match ang isang baguhang estudyante o yellow belter ay sersyosong inilaban sa isang black belter na may mataas na kasanayan sa martial art.

Sa paliwanag naman ng isang martial arts instructor na si Nathan Espino, isang martial arts instructor simula 2007  sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila, ang black belter ay nakaalalay lamang at hindi naglalabas ng matinding pwersa at ang pinagtutuunan ang pagpapahusay sa yellow belter.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with