^

Police Metro

COVID-19 sa Metro Manila, malapit na sa ‘peak’ – octa

Angie dela Cruz, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malapit nang umabot sa “peak” o pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila habang pinangangam­bahang kakalat din ang impeksyon sa mga karatig-lalawigan, ayon sa OCTA Research Group.

Sinabi OCTA fe­llow Dr. Guido David na umakyat na sa 22.4% ang positivity rate sa NCR o MM nitong Huwebes mula sa 18.4% noong Disyembre 14.

Ang naturang pagtaas ay alinsunod sa prediksyon ni infectious diseases expert at Philippine College of Physicians President Dr. Rontgene Solante na nagsabi na inaasahan ang pagtaas pa ng mga kaso ngayong holiday season dahil sa kabi-kabilang mga pagtitipon na sinabayan ng pag-relaks ng gobyerno sa mga health at safety protocols.

Sa kabila nito, nananatili naman na mababa ang hospitalization at ICU rate sa rehiyon ngunit pinangangambahan ang posibleng pagpasok ng mas mapanganib na JN.1 subvariant na natukoy na sa mga kapitbahay na bansa sa Asya.

Sa COVID-19 bu­lletin ng Department of Health nitong Biyernes, nadagdagan ng 557 bagong kaso ang bansa para umakyat ang kabuuang bilang ng kaso sa 4,132,200.

Nangunguna ang NCR sa may pinaka­­ma­raming kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa naitalagang 2,293 kaso, kasunod ang Quezon City na may 645 bagong kaso.

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with