^

Police Metro

NHA pinapurihan ang unang taon na panunungkulan ni Pangulong Marcos

Angie dela Cruz - Pang-masa
NHA pinapurihan ang unang taon na panunungkulan ni Pangulong Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. presides over the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting in Malacañang on July 5, 2023.
STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Dahil sa pagbibigay ng prayoridad sa programang pabahay sa mga maralitang Pilipino ay pinapurihan ng pamunuan ng National Housing Authority (NHA) ang unang taong panunungkulan sa bansa ni Pangulong Ferdinang “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni NHA Gene­ral Manager Joeben Tai na dahil sa malasakit sa pamumuno ni Pangulong Marcos ay nakapagkaloob ang NHA ng kabuuang 30,000 pabahay sa buong bansa.

Anya, ang mga bene­pisyaryo nito ay mga informal settler families, nasalanta ng kalamidad, mga rebeldeng nagbalik-loob sa gobyerno, at mga katutubo.

Dito personal na pina­ngunahan ni Pangulong Marcos, Jr., ang paggawad ng titulo sa naturang mga benepisyaryo ng pabahay sa ginanap na sabay-sabay na ceremonial turnover kasama ang mga opisyal mula sa Key Shelter Agencies, mga kalihim at na­ngangasiwa sa lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Tai na ilan sa mga direktiba ni Pangulong Marcos, Jr. sa NHA ay ang pagpapabilis sa pagkumpleto ng Yolanda Permanent Housing Pro­ject (YPHP) at agarang pag­papatayo ng mga resettlement sites para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa kalamidad; tugunan ang lumala­king pangangailangan sa pabahay; at pagpapadali ng paglipat ng mga pamilyang naninirahan sa mapanganib na lugar.

Tiniyak din ni Tai na higit pang palalawigin ang serbisyo-publiko para sa mas magandang kinabukasan ng mga Pilipinong nangangailangan ng pabahay sa bansa.

vuukle comment

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with