Composite sketch ng gunman sa pagpatay sa Bulacan chief of police, inilabas
MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ng mga pulis ang composite sketch ng isa sa dalawang suspek sa pagpatay sa police chief ng San Miguel, Bulacan.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 5’3 hanggang 5’4 ang taas ng suspek, kayumanggi, at tinatayang nasa edad 35 taon pataas.
Magugunita na nagtamo ang biktimang si Police Lieutenant Colonel Marlon Serna ng tama ng baril sa kanyang ulo nang paputukan ng dalawang hinihinalang magnanakaw noong Sabado ng gabi.
Sakay ang dalawang suspek ng motorsiklo nang pagbabarilin si Serna na kung saan ay nasugatan din ang 17-anyos na lalaki.
Sinabi ni Fajardo na isasailalim ang CCTV footage ng insidente sa enhancement process para matukoy ang plaka ng motorsiklo.
Nag-alok ang Department of the Interior and Local Government (DILG), PNP, at ang Bulacan provincial government ng P1.2 milyong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga killer.
- Latest