^

Police Metro

Mga sangkot sa Degamo slay, natutukoy na -- DOJ

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pagpapatuloy na imbestigasyon ay isa-isa nang natutu­koy ng Department of Justice (DOJ) ang mga sangkot sa pagpaslang kay Negros­ Oriental Go­vernor Roel Degamo.

Sinabi ni DOJ spokesperson Mico Clavano, bukod sa apat na suspek na nadakip at nahaharap na sa kasong kriminal, may 10 pang indibiduwal ang kanilang iniimbestigahan sa ngayon.

“Mas marami pa po ‘no sa sampu iyong na involved sa investigation­ ho natin. Lumalabas po sa mga state­ments na mayroon po tayong parang la­yering na tinata­wag,” ayon kay Clavano.

Ayon kay Clavano, na­tukoy na nila ang “layering­” o ang pagkakasalansan ng mga taong sangkot at kanilang mga ginampanan sa krimen.

“So mayroon po tayong­ mga gunmen, mga directly involved po doon sa assas­si­nation bilang driver, lookout iyong mga ganoon… tapos meron ho tayong handler or parang middleman ‘na tinatawag. So ito iyong nagsisilbing parang layer of security doon sa ating mastermind,” dagdag niya. May solido na umano silang “case buildup” at kinakaila­ngan na lamang nila na isara o punan ang mga maliliit na puwang sa imbestigasyon.

vuukle comment

ROEL DEGAMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with