^

Police Metro

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa loob ng abandonadong kotse sa Quezon City

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa loob ng isang abandonadong kotse sa Quezon City, kama­kalawa.

Halos naaagnas na ang bangkay ng biktima na naki­lalang si Dominic Anthony Tan, nang ito ay makita ng mga  bystanders sa loob ng itim na Toyota Vios sedan na nakaparada sa kahabaan ng Capitol Hills Drive, Brgy. Matandang Balara, pasado alas-11:00 ng umaga.

Una nang napansin ng mga TNVS driver at ilang tao sa lugar ang nasabing kotse na bahagyang nakabukas ang pinto.

Nang kanilang lapitan at silipin ang loob ng kotse ay tumambad ang bangkay ng lalaki sa likurang upuan.

Nakilala ang bangkay ng mga imbestigador sa nakuhang identification cards sa loob ng kotse.

Maliban na may bahid na tuyong dugo sa ilong ng biktima ay walang nakita na anumang sugat sa katawan ng biktima. Pansamantalang inilagak ang bangkay sa isang parlor for safekeeping. - Angie dela Cruz

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with