^

Police Metro

Shooter sa New Zealander killing, kinasuhan na

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon ng otoridad ng kasong criminal ang suspek na umano’y bumaril at nakapatay sa turista mula sa New Zealand sa Makati City, kamakailan.

Sinabi ni Makati police chief Col. Edward Cutiyog na kinasuhan nila ng robbery with homicide ang suspek na si John Mar Manalo sa  city prosecutor’s office, kahapon ng alas-10:30 ng umaga.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pagpatay sa biktimang si New Zealander Peter Stacey sa Brgy. Palanan, noong nakalipas na Pebrero 19.

Magugunita na kasama ni Stacey ang kanyang nobya nang sila ay hol­dapin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Filmore St., na kung saan nanlaban ang biktima kaya’t pinagbabaril ito.

Sumuko si Manalo sa Pasig City matapos na siya ang itinuro ng mga saksi na kasama sa pagpatay kay Stacey.

Mariing pinabulaanan naman ni Manalo ang akusasyon na siya ang nakapatay kay Stacey dahil sa mga oras na iyon na naganap ang panghoholdap ay nasa bahay lang siya at natutulog.

Subalit, limang saksi at nobya ni Stacey ang nagsabi na si Manalo ang bumaril at nakapatay sa turista.

vuukle comment

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with