^

Police Metro

Isa pang miyembro ng Tiñga drug syndicate, timbog

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng Taguig City Police ang isa pang miyembro ng Tiñga drug syndicate sa isinagawang operasyon sa Brgy. Ususan at nasamsam ang nasa P95,000 halaga ng shabu at illegal na armas.

Kinilala ang suspek na si Bernardo Tiñga, 56, na naaresto sa P. Mariano St., Brgy. Ususan noong Biyernes, Enero 20 sa bisa ng search warrant na inisyu ni Taguig City RTC Branch 15 Judge Byron San Pedro na bukod sa shabu ay nakuha rin ang isang kalibre 45 na baril, isang basyo ng 45 cal. magazine, anim na bala ng kalibre 45 at iba pa.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na ang lungsod ay napakalakas ang paninindigan laban sa ilegal na droga at katunayan ay may marching order na alisin ang mga ilegal na substances na ito sa lungsod.

Sa mga nakalipas na operasyon ng Taguig City Police, ang pag-aresto sa iba pang miyembro ng sindikato kabilang na sina  Joel Tiñga na naaresto noong 2016 at nahatulan ng reclusion perpetua.

Ang isa pang miyembro ng sindikato na si Elisa “Ely” Tiñga, asawa ni Noel Tiñga na pinsan umano ni dating Taguig Mayor Freddie Tiñga, ay pangatlo sa most wanted person sa listahan ng mga perso­nalidad ng ilegal na droga at ikapitong miyembro ng sindikato na naaresto at nakulong na pinatawan din ng parehong parusa ng korte noong Pebrero 2017.

Noong 2020 ay naaresto rin ang isa pang miyembro ng sindikato na si Patrick Ace Tiñga sa buy-bust operation at  nasamsam ang mahigit P20 milyong halaga ng shabu.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with