^

Police Metro

Grade 7, tinodas ng kaklase sa iskul

Manny Tupas - Pang-masa
Grade 7, tinodas ng kaklase sa iskul
Dito sa hallway ng Culiat High School na matatagpuan sa Brgy. Culiat, Quezon City naganap ang pananaksak at pagpatay ng isang 15-anyos na estudyante sa kanyang kaklase na 13-anyos dahil lang sa selos, naganap kahapon ng umaga.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang grade 7 student matapos saksakin ng kan­yang ka­klase sa loob mismo ng paaralan na pinapasukan nito kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Mohammad Abtani Alfhasi, 13, tubong-Jolo­, Sulu at residente ng Basilan St., Salaam Compound, Ba­ran­gay Culiat, Q.C.

Nadakip naman sa follow-up operation ng pulisya ang suspek na kaklase ng biktima na 15 taong gulang, nakatira sa Cotabato St., Salaam Compound, ng nasabing barangay.

Base sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa Culiat High School, ng Barangay Culiat Q.C.

Lumalabas na sa imbes­tigasyon ng mga otori­dad na mayroong hindi pagka­kaunawaan ang da­lawa dahil sa selos na dahilan upang saksakin ng suspek ang biktima.

Sinubukan pang itakbo­ sa New Era General Hos­pital, pero dineklara itong dead on arrival. Na­kapiit na ang suspek at ini­ha­handa ang kasong kakaharapin nito. - Angie Dela Cruz

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with