^

Police Metro

Janitor todas nang mahulog mula sa ika-4 palapag ng Philippine Heart Center building

Manny Tupas - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang janitor ang nasawi matapos mahulog mula sa gusali ng Philippine Heart Center sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, alas-8:40 ng gabi ay namumulot ng ba­sura ang biktimang si Ro­bert Robles, 40, sa ikaapat na palapag ng nasabing ospital na matatagpuan sa Barangay Central nang ito ay aksidenteng ma­hulog.

Isang kasamahan sa trabaho ang nakarinig ng ma­lakas na kalabog at tinu­­ngo ang ground floor at dito nakita ang katawan ni Robles na nakabitin sa loob ng elevator.

Agad nilang dinala katulong ang sekyu si Robles sa emergency room ng ospital para ito ay ma­bigyang agarang lunas, subalit namatay din ito, alas-11:37 ng gabi dahil sa mga tinamong bali sa katawan.

Patuloy ang pagsasa­gawa ng imbestigasyon ng pulisya upang madetermina kung may foul play sa pagkamatay ni Robles.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with