^

Police Metro

PhilSys ID, tatanggapin na sa aplikasyon ng pasaporte

Malou Escudero - Pang-masa
PhilSys ID, tatanggapin na sa aplikasyon ng pasaporte

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga Pinoy kabilang ang mga overseas Filipino workers na nag-aaplay ng pasaporte.

Inanunsyo nitong Biyernes ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kanila nang tatanggapin ang PhilSys ID na nagsisilbing national ID, bilang balidong identification card para sa mga aplikante ng Philippine passport.

Ayon sa DFA, kikilalanin ng Office of Consular Affairs simula Oktubre 21 ang digitized na bersyon ng PhilSys ID o ang ePhilID para sa mga aplikasyon ng pasaporte.

Sinabi ng DFA na dapat ay malinaw, nababasa ang mga detalye sa naka-print na ePhilID at dapat ay naglalaman ng parehong mga detalye tulad ng ipinakita sa mga kinakailangan na dokumentaryo sa panahon ng aplikasyon ng pasaporte.

Para sa karagdagang impormasyon sa passport requirements, pinapayuhan ng DFA ang publiko na bumisita sa: https://dfa-oca.ph/passport/passport-requirements.

vuukle comment

NATIONAL ID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with