^

Police Metro

Estudyante tigok sa hazing, 8 inaresto

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isang 4th year Criminal Justice Education student ng University of Mindano­ sa hazing ng fraternity na AKRHO Alpha Delta Chapter nitong Linggo sa Upper Mandug, Buhangin Davao City.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang nasawi habang isa pang estudyante ang sinasabing sugatan sa hazing.

Agad namang nadakip ang walong miyembro ng fraternity habang pinaghahanap ang anim na iba pa.

Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), nakatanggap sila ng sumbong na may isang bangkay na natagpuan sa Upper­ Mandug, Buhangin District matapos ang umano’y hazing.

Sa inisyal na impormasyon, posibleng hindi nakayanan ng nasawing biktima ang isinasagawang hazing sa kanila ng nasabing miyembro ng fraternity.

Paliwanag naman ng University of Mindanao, ang hazing ay ginanap sa labas ng bisinidad ng unibersidad.

Mahigpit ding kinondena ng UM ang naturang insidente dahil matagal na umano itong ipinagbawal sa unibersidad mula nang ipatupad ang Anti-Hazing Law.

vuukle comment

HAZING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with