Metro Manila balik sa COVID-19 ‘moderate risk’ — DOH
MANILA, Philippines — Dahil sa muling pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 ay balik ang Metro Manila sa moderate risk classification.
Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) na kung saan ay muling tumaas sa positivity rate na 16.4% sa isinagawang COVID-19 tests sa isang lugar na dapat ay manatili sa mas mababa sa 5% upang makatiyak na ang pagkalat ng virus ay kontrolado.
“Pag tiningnan natin, comparing this to the previous two weeks, makikita natin na tumaas talaga (If we look at it, comparing this to the previous two weeks, we can see that it really increased),” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
“Among the different regions in the country, ang NCR ay pumasok na ulit sa (the NCR entered again) moderate risk case classification,” dagdag pa niya.
Gayunman, nananatili pa ring low risk na may 39% ang utilization ng COVID-19 ward beds at 33% intensive care unit beds.
Tanging ang mga lungsod ng Pasig at Muntinlupa ang may pagtaas sa kanilang mga admission sa ICU habang anim sa 17 mga lungsod ang nakakita ng pagtaas sa kanilang mga ward admission para sa COVID-19.
Idinagdag pa ni Vergeire, sa pagtaas ng daily attack rate sa NCR ay hindi naman aniya ito maaaring maiugnay sa opsyonal na pagsusuot ng mga face masks sa outdoor settings. - Angie dela Cruz
- Latest