^

Police Metro

Operators, gobyerno magtutulungan sa pagbuo ng mga polisiya sa e-sabong

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para sa pagpapaunlad ng industriya sa Pilipinas ay isinusulong ng isang gaming technology exe­cutive ang pagtutulungan ng mga regulator at mga operator ng e-sabong.

Sinabi ni Jade Entertainment and Gaming­ Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano na nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa pana­wagan ng publiko hinggil sa e-sabong.

Sinabi ni Pisano na ang e-sabong ay magandang mapagkukunan ng kita ng pamahalaan dahil mayroon itong buong ecosystem ng mga industriya na sumusuporta rito.

Kinabibilangan ito ng mga sektor sa ilalim ng breeders, feed makers, ve­terinary, at employment­ na nag-aambag sa kabu­uang 35 percent corporate tax para sa pamahalaan. Sinabi ni dating Presidente Rodrigo Duterte noong Marso na ang industriya ng e-sabong ay nagkakaloob sa gobyerno ng P640 milyon na kita kada buwan at nakalikom ng kabuuang P2.03 bilyon sa unang kalahating taon.

Iginiit pa ni Pisano na ang e-sabong ay dapat na ituring na tulad ng ibang sport dahil may kapareho itong set of rules at mechanisms na ipinatutupad dahil isa na rin itong propesyon sa mahabang panahon.

Ayon naman kay Phi­lippine Amusement and Gaming Corporation (PAG­COR) Chairman and Chief Executive Officer Andrea Domingo, ang e-sabong ang nagkakaloob ng 8 hang­gang 10 porsyentong kita ng korporasyon na umakyat sa kabuuang P26.70 bilyon sa unang anim na buwan ng 2022.

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with