Apela ni Abalos sa mga mayor, governor: Palakasin ang BADAC
MANILA, Philippines — Umapela si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga alkalde at mga gobernador sa bansa na palakasin pa ang kanilang mga barangay anti-drug abuse council (BADAC) upang mapaigting pang lalo ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Binigyang-diin ni Abalos na ang BADAC ang nagsisilbing ‘first line of defense’ laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon pa sa DILG chief, na nagsilbi ring alkalde ng Mandaluyong City sa loob ng tatlong termino, kailangan ng pamahalaan ang tulong ng mga local chief executives (LCEs) para mapalakas ang BADAC at malabanan ang problema ng ilegal na droga mula sa grassroots level nito.
Tiniyak pa ni Abalos na ipagpapatuloy ng administrasyong Marcos Jr. ang kanilang laban kontra ilegal na droga at magpopokus sa pagresolba ng mga isyu hinggil dito.
- Latest