^

Police Metro

48% ng pamilyang Pinoy, itinuring na mahirap sila — SWS

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa pinakabagong So­cial Weather Station (SWS) survey na inilabas nitong Martes­ ay mas maraming pamil­yang Pilipino ang itinuturing ang kanilang sarili na mahirap sa mga huling buwan ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa resulta ng SWS, nabatid na mula sa dating 43% lamang noong Abril, umaabot na sa 48% noong Hunyo, ang bilang ng mga Pinoy na ikinukonsidera ang ka­nilang pamilya bilang mahirap.

Ayon sa SWS, ang estimated na bilang ng mga self-rated poor fa­milies ay nasa 10.9 mil­yon noong Abril 2022 at 12.2 milyon naman no­ong Hunyo 2022.

Sa nasabing national survey na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang 29, 2022, nabatid na 48% ng mga respondents ang nagsabing ‘mahirap’ ang kanilang pamilya. Ito ay pagtaas mula sa da­ting­ 43% lamang sa survey na isinagawa noong Abril.

Samantala, nasa 31% naman ang nagsabing sila ay nasa ‘borderline poor’ o pagbaba mula sa dating 34%.

Nasa 21% naman ng mga respondents ang nag­sabing sila ay ‘hindi mahirap’ o pagbaba mula sa dating 23%.

Ang naturang survey, na non-commissioned, ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews ng may 1,500 res­pondents sa buong bansa, kabilang ang 300 sa Metro Manila, 300 sa Visayas, 300 sa Mindanao, at 600 sa Balance Luzon.

Ang sampling error margins ay nasa ±2.5% para sa national percentages, tig- ±5.7% naman para sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao, at ±4.0% para sa Balance Luzon. - Angie Dela Cruz

vuukle comment

POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with