Rollback sa petrolyo, asahan ngayong linggo

Tinatayang nasa P2.50 hanggang P3.00 sa kada litro ang ibabawas sa presyo ng diesel; P0.20 sa kada litro sa gasolina; at sa kerosene na P3.00 hanggang P3.40 sa kada litro.
The STAR/ Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na taas-presyo ng petrolyo, may pahiwatig ang oil industry na posibleng magpapatupad naman ng rollback ngayong papasok na linggo.

Tinatayang nasa P2.50 hanggang P3.00 sa kada litro ang ibabawas sa presyo ng diesel; P0.20 sa kada litro sa gasolina; at sa kerosene na P3.00 hanggang P3.40 sa kada litro.

Bumagsak ang presyo ng langis kasunod ng anunsyo ng 13-bansa na kasapi ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na pinamumunuan ng Saudia Arabia, at ng 10 kasosyo nito sa pamumuno ng Russia.

Ang mga pangunahing producer ng langis na pinamumunuan ng Saudi Arabia at Russia ay nananatili sa naunang napagpasyahan na pagpapalakas ng output ngayong linggo, sa kabila ng mga panawagan para sa mas malaking pagtaas upang mapalambot  ang  presyo ng krudo. Pangunahing nagpalala sa problema sa suplay ng petrolyo at patuloy na pagtaas ng presyo ang gi­yera sa pagitan ng Russia at Ukraine. - Angie dela Cruz

Show comments