32 pa tinamaan ng Omicron subvariant – DOH
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 32 ang karagdagang nahawa ng BA.5 Omicron subvariant ang naitala sa bansa.
Sinabi ni Usec. Ma. Rosario Vergeire, 21 sa mga bagong kaso ay sa Region 6, apat sa Calabarzon, apat sa Metro Manila at tatlo naman sa Central Luzon Region.
Ibinahagi niya na ang naitalang 21 sa Region 6 ay magkakasama sa trabaho at sa mga bagong tinamaan, 30 dito ang fully vaccinated, samantalang ang isa naman ay partially-vaccinated.
Sa mga bagong kaso, 22 ang nakaranas ng mild symptoms at lima ay asymptomatic, bukod dito, 16 sa kanila ang gumaling na samantalang ang natitirang bilang ay naka-isolate.
Ngayon, 43 na ang naitalang tinamaan ng BA.5 sa Pilipinas at hindi pa rin tukoy ng DOH kung paano nalantad ang mga pasyente sa BA.5 subvariant at inaalam pa rin ang kanilang mga travel history.
- Latest