^

Police Metro

Intel reports sa planong panggugulo sa inagurasyon ni Marcos, kumpirmado – DILG

Mer Layson - Pang-masa
Intel reports sa planong panggugulo sa inagurasyon ni Marcos, kumpirmado � DILG
Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr, presumptive president-elect, speaks to reporters at the campaign headquarters in Mandaluyong City on May 11, 2022.
AFP / Ron Lopez

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang intelligence reports kaugnay sa di umano’y plano na guluhin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pero, siniguro ng DILG na nakahanda ang mga pulis na tugunan ang mga pagbabanta.

Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na plano ng communist groups at ng kanilang di umano’y front organizations na pahiyain si Marcos Jr. sa kanyang inagurasyon sa Hunyo 30.

Sinabi ni Malaya na ang DILG at ang attached agencies nito na Philippine National Police (PNP) ay seryosong tinitingnan ang nasabing reports.

Aniya pa, pinaigting ang security measures sa National Museum grounds sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue sa Maynila, kung saan inaasahan na magte-take oath of office si Marcos Jr.

Tinatayang 6,200 PNP personnel, hindi pa kasama ang ibang uniformed services, ang ide-deploy upang i- monitor ang mga key areas na malapit sa National Museum.

Sa isang press briefing na inorganisa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) noong Lunes, dalawang dating rebelde na sina Orlando “Ka Warly” Baluyot, na ngayon ay chairman ng Tinang Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative, at Ka Pong Sibayan, magsasaka mula sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac, ang nagsabi na ang mga radikal na makakaliwa ay nagsimula nang mag-organisa ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan upang isagawa ang naturang masamang balak.

Maliban pa anila sa Hacienda Tinang, nakikipagpulong na rin ang mga opisyal at mga miyembro ng CPP-NPA-NDF front organizations sa mga magsasaka sa mga kalapit na Hacienda Murcia at Barangay Central sa loob ng Hacienda Luisita.

vuukle comment

DILG

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with