^

Police Metro

Toni at Direk Paul, VIP sa proclamation nina Pres. Bongbong at VP Sara

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Toni at Direk Paul, VIP sa proclamation nina Pres. Bongbong at VP Sara

Abang-abang na ang fans kung anong government position ang hahawakan ng mag-asawang Direk Paul Soriano and Toni Gonzaga.

VIP rin sila sa mga dumalo kahapon sa proclamation nina President Bongbong Marcos and Vice President Sara Duterte sa Congress.

Kabilang nga ang mag-asawa sa key personalities na nagpatakbo ng kampanya ng UniTeam na overwhel­ming ang panalo kaya’t inaasahang magkakaroon sila ng magandang puwesto sa bagong administrasyon.

Nagkaroon ng rumor na diumano’y ino-offer kay Direk Paul ang Department of Tourism pero itinanggi ito ng mister ni Toni sa nabasa kong interview.

Wala pang ini-announce na bagong uupo sa DOT kaya hoping pa ang iba na mananatili sa pwesto si Sec. Berna Romulo-Puyat.

May nagsasabi naman na baka si Toni ang ilagay sa PTV4 na isang government station.

Walang contract sa kahit anong network si Toni sa kasalukuyan at nakatutok siya sa pagiging vlogger.

Not sure lang kung totoo ‘yun although possible kung tutuusin.

Puwedeng siya ang magiging ‘Charo Santos’ ng PTV 4.

Caridad Sanchez, malakas na malakas pa

Tumatakbo pa ang veteran actress na si Caridad Sanchez.

Kabaliktaran ito sa lumabas na story sa isang entertainment portal na ‘the late veteran actress Caridad Sanchez’.

In fact, nagpa-se­cond dose pa ng boos­ter para sa COVID-19 ang senior actress.

Ayon sa anak nitong si AJ (Alexander Joseph) Babao na kasama niya sa bahay at nag-aalaga sa kanilang ina, malakas na malakas ito physically bagama’t nagiging makakalimutin ito dala na rin ng edad. Turning 89 siya. “Low signal naman talaga memory from time to time but compensated sa physical.. grabe.. up and down pa yan sa white plains parang bundok. May Kasama nga lang. Kasi ingatan Namin ang Bali senior na eh  Hingal din Yung Kasama Niya na 26year old hahahaha,” ayon kay AJ kasama ang isang video habang tumatakbo o nagja-jogging ang kanyang mom sa White Plains.

 Kabilang din si tita Caridad sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Ms. Susan Roces last Monday night na nakatakdang ihatid ngayon sa libingan ngayong umaga.

Anyway, ang story na tungkol sa ‘the late veteran actress’ ay nag-umpisa sa pag-agree ni Lea Salonga sa ‘some thoughts on writing a eulogy’ ni Cathy Sanchez Babao, anak din ni Ms. Caridad Sanchez.

Ayon kay Lea, “Thanks for this. It’s in such poor taste when someone hijacks the opportunity to speak in order to make it about themselves and only themselves,” na comment nito sa shoutout ng anak nga ni tita Caridad na parang reaction sa mga ‘eulogy’ sa wake ng Queen of Philippine Movies.

Hindi magkasundo ang magkapatid na AJ at Cathy pero si AJ ang kasama at nag-aalaga sa beteranang aktres.

vuukle comment

PAUL SORIANO

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with