^

Police Metro

Dahil sa mga pag-ulan at pagbaha sinkhole lumutang sa Taal, Phivolcs inalerto

Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa walang ­humpay na pag-ulan at pagbaha, nagkaroon ng pagbitak sa lupa o 10-­metrong lalim na sinkhole sa bayan ng Taal sa Batangas noong Miyerkules. 

Ito ay matapos ideklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services ­Administration (PAGASA) ang simula ng tag-ulan noong Miyerkules. 

Ayon sa residenteng si Pepito Balbacal, nadiskubre nito ang paglitaw ng sinkhole sa entrance gate ng kanilang bahay matapos ang malakas na pag-ulan. 

“Bago pa man mabuo ang sinkhole ay may mga bitak na akong nakita sa bahay bunsod ng pagputok ng bulkan pero ‘di naman gumuho ang lupa nito,” ani Balbacal

Dahil dito, agad inutos ni Taal mayor Pong Mercado na isarado ang barangay road na apektado ng sinkhole at mabilis na kinordon ang bahay ni Balbacal para naiwasan ang aksidente. Suwerte naman at walang nasaktan o namatay na residente sa paglitaw ng sinkhole sa Barangay Apacay. 

Hiniling ni Balbacal sa local officials na tabunan nalang ang sinkhole pero tumanggi si Mercado habang inaantay ang expert opinions mula sa Phivolcs at DENR Mines and Geosciences Bureau. 

Humingi na rin ng tulong si Mercado sa Office of Civil Defense para ma-survey ang lugar at alamin kung anong lugar ang hindi na maaaring tayuan ng bahay dahil sa sinkhole.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with