^

Police Metro

Belmonte, maraming gagawing reporma sa QCitizens

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nangako si Quezon City Mayor-elect Joy Belmonte na mas ibayong pagbabago at reporma ang kanyang gagawin para sa QCitizens.

Sa kanyang mensahe ng pasasalamat, nangako si Belmonte na mas pinaigting na serbisyo” ang manggagaling sa pamahalaang lungsod at buong pagpapakumbaba na nagpapasalamat sa mga QCitizens sa pagbibigay muli ng tiwala at suporta sa nasimulang pagbabago.

Aniya, ang kanyang mga botong natamo ay “malinaw na patunay” na nararamdaman ng mga QCitizens ang mga programa at mga proyekto ng kanyang administrasyon sa nakalipas na tatlong taon.

“Ngayong pinagkatiwalaan ninyo ako na muling pangunahan ang Quezon City sa susunod na tatlong taon, asahan ninyo ang mas pinaigting na serbisyo mula sa inyong pamahalaang lungsod. Patuloy nating isasaayos ang mga luma at baluktot na Sistema,” wika ni Belmonte.

Dagdag pa nito na hihigitan nila ang mga nagawa na, sa tulong ng kanyang mga kasama sa partidong Serbisyo sa Bayan Party (SBP) sa pangunguna ni Vice Mayor Gian Sotto, mga Kongresista at mga Konsehal.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with