^

Police Metro

Iligal na E-sabong, naglipana - Pagcor

Mer Layson - Pang-masa
Iligal na E-sabong, naglipana - Pagcor
Sinabi ni PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, namonitor nila na naglabasan muli ang iligal e-sabong matapos suspindihin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Naglipana na sa bansa ang mga iligal na e-sabong matapos suspindihin ng pamahalaan ang operasyon.

Sinabi ni PAGCOR E-Gaming Licensing and Regulation Vice-President Atty. Jose Tria, namonitor nila na naglabasan muli ang iligal e-sabong matapos suspindihin ang operasyon nito dahil sa utos na rin ng Pangulong Rodrigo Duterte. Kabilang umano sa mga namamayagpag na iligal online sabong website ay ang pinasabong.live; pclive1.com; sabong-express.net; phbetting.live; goperya.com; phbet44.bet; phbet.bet; phbetr.bet. Sinabi ni Tria, batid nila na kapag sinuspinde ang operasyon ng online sabong ay mag-i-iligal operation ang iba at sasamantalahin ang pagkakataon para kumita.

Ani Atty. Tria, nalulungkot sila na napupunta lang sa mga may-ari ng mga iligal e-sabong ang milyun-milyong kita nila araw-araw pero walang napupunta sa gobyerno.

Inihayag pa ni Atty.Tria na inimpormahan na nila ang mga otoridad hinggil sa iligal na operasyon ng e-sabong at ngayon ay naghihintay na lamang sila ng kanilang action.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ay iniutos ng Pangulong ‘Digong’ sa PAGCOR na suspindihin ang e-sabong operation sa bansa dahil nakakasira na sa buhay ng maraming Pinoy.

vuukle comment

E-SABONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with