^

Police Metro

Vice Governor inireklamo ng ‘child abuse’

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumaranas ngayon ng trauma at labis na pagkatakot ang tatlong paslit makaraang pagsisigawan ni Zambales Vice-Governor Jay Khonghun ang kanilang ama sa kanilang harapan at pagbantaang ipakukulong ito, kamakailan.

Bunsod nito, at sa takot na rin para sa sariling kaligtasan, nagsampa ang ama ng kasong paglabag sa Section 359 ng Revised Penal Code at Section 10(a) ng Republic Act 7610, o paninirang puri (slander), at iba pang uri ng pang-aabuso, pagmamaltrato at karahasan laban sa mga bata, ayon sa pagkakasunod.

Sa sinumpaang salaysay ni Francisco Mas Jr., ng Brgy. Aningway-Sacatihan, Subic, Zambales, inireklamo nito si Khonghun na kumakandidato rin sa pagkakongresista sa unang distrito ng lalawigan.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Mas, noong ­umaga ng Abril 25, 2022, ay nagmamadali umano siyang umalis ng bahay sakay ng kanyang motorsiklo upang pumasok sa trabaho sa munisipyo ng Subic bilang maintenance personnel. Makaraan siya ay nagtungo sa Subic Gym. Napag-alaman umano niya na nasa naturang gym si Khonghun at kapulong ang buong partido nito. Nang matapos ang pulong ay lumabas ng gym ang opisyal at napansin umano nito ang isang “political sticker” na nakadikit sa motorsiklo ni Mas. Iyon din umano ang unang pagkakataon na nakita ni Mas ang nasabing sticker.

Dahil dito, ipinatawag umano ni Khonghun si Mas at nang makalapit ay agad siyang dinuro sa harap ng tatlong anak ng huli at may panggigigil na pinagsisigawan ng, “Ipakukulong kita! Namumulitika kayong mag-asawa. Sumasama kayo sa pa-meeting ni Maningding (tumatakbong mayor sa Subic).”

vuukle comment

CHILD ABUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with