^

Police Metro

Delivery van swak sa bangin: 3 patay

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlo ang patay kabilang ang mag-ama nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang delivery van, kamakalawa sa Brgy. Tanauan, Real, Quezon.

Kinilala ang mga na­­sawi na sina Alfonzo Castro­, 43, anak na si Allen, 21, kapwa residente ng Baliuag, Bulacan at ang kani­lang amo na si Danielle Josh Cruz, 23 dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Ayon sa ulat ng pu­lisya, alas-7:45 ng umaga ay minamaneho ni Alfonzo ang isang aluminum wing van na may kargang mga agricultural feeds na idedeliber sa Infanta at sakay dito ang anak na pahinante at kanilang amo.

Pagsapit sa kurbadang bahagi ng kalye ay nawalan ng kontrol sa manibela si Alfonzo at tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin at bumangga sa mga puno.

Nayupi at nahati ang sasakyan na naging sanhi upang agad na malagutan ng hininga ang mga bik­tima.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with