^

Police Metro

Hamon na debate ni Robredo, tinabla ni Marcos

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggihan umano ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang hamon na one-on-one debate ng katunggaling si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa kampo ni Robredo na sinabi umano ng tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez na kailanman ay hindi mangyayari ang debate na hinihingi ni Robredo at muling idinahilan na ayaw nito ng debate dahil mas gusto nila ng positibong pangangampanya.

Ikinasa ni Robredo ang hamon kay Marcos dahil siya na lang ang hindi huma­harap sa taumbayan sa isang debate kasama ang iba pang kandidato.

Nais din ni Robredo na sagutin ni Marcos sa harap ng taumbayan ang mga kon­trobersiyang pumapalibot sa kanya at sa kanyang pamilya tulad ng utang na P203 bilyon sa estate tax na hanggang ngayon ay ayaw nilang bayaran.

Inatasan ng Korte Suprema ang pamilya Marcos­ na magbayad ng P203 bil­­yon sa estate tax halos dalawampu’t limang taon na ang nakalipas. - Danilo Garcia

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with