3 bata patay sa sunog
April 19, 2022 | 12:00am
MANILA, Philippines — Tatlong bata ang nasawi nang makulong sa nasusunog nilang bahay, kamakalawa sa Barangay D.S. Garcia, Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Kinilala ang mga nasawi na sina Julius Cesar Gonzales, 12; Christine Joy Gonzales, 11; at Celina Gonzales, 3, kapwa residente ng nasabing barangay.
Idineklarang fire out, alas-8:55 ng umaga na nagsimula sa single storey house na pag-aari ni August Caezar Gonzales.
Patuloy ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Recommended