^

Police Metro

Sangkot sa kidnapping sa Parañaque Vietnamese utas sa shootout, Chinese sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa
Sangkot sa kidnapping sa Parañaque Vietnamese utas sa shootout, Chinese sugatan
Kinilala ang nasawi na si Tuan Dat Sy, habang ang Chinese na si Juandong  Yu, 25-anyos, nanunuluyan sa unit 15A Bayshore 2, Pasay City ay ginagamot sa San Juan De Dios Hospital dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Patay ang isang Vietnamese, habang sugatan ang kasamang Chinese national nang kapwa manlaban sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang operasyon sa Entertainment City sa Parañaque City, bago maghatinggabi nitong Huwebes.

Kinilala ang nasawi na si Tuan Dat Sy, habang ang Chinese na si Juandong  Yu, 25-anyos, nanunuluyan sa unit 15A Bayshore 2, Pasay City ay ginagamot sa San Juan De Dios Hospital dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sina Sy at Yu ay ­kapwa sangkot sa serye ng kidnapping-for-ransom sa mga Chinese nationals na nasa bansa.

Naganap ang insidente alas-11:19 ng gabi ng Marso 24, sa Aseana Block 8 Open Parking, Aseana Avenue, Barangay Tambo, Parañaque City.

Sa imbestigasyon, natukoy ng mga ahente ng NBI-International Opertion Division (IOD) ang mga suspek na sakay ng itim na Toyota Innova (DAZ 6785) kaya pinara at hiniling na bumaba sa sasakyan.

Gayunman, agad pinaandar ng dalawa ang kanilang sasakyan at dumiretso sa kinatatayuan ng mga operatiba sa akmang sasagasaan subalit mabilis silang nakaiwas. Dito na hinabol ng NBI agents ang dalawa habang nakikipagputukan  at nagawa nilang makatakas patungo sa Skyway.

Bago maghatinggabi nang may magbigay ng impormasyon sa NBI-IOD na nakita ang sasakyan ng mga suspek sa nasabing parking area ng Entertainment City kaya binalikan nila ang mga ito at nauwi na sa madugong engkuwentro ang pangyayari.

Dead-on-the-spot ang Vietnamese habang ang Chinese national na siyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan ay sugatan.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with