^

Police Metro

3 bata nilamon ng ilog

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong bata na magkakamag-anak ang nasawi nang sila ay malunod sa ilog habang naliligo naganap kamakalawa sa Zone-1, Brgy. Luluasan, Balatan, Camarines Sur.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang magkapatid na sina  Gabriel Cardinio Andaya, 5; at Lian Rime, 3-anyos at pinsan nilang si Lansen Andaya Ilanan, 4-anyos, kapwa residente ng Zone-4 ng nasabing barangay.

Sa ulat, alas-4:10 ng hapon naglalaro ang mga biktima kasama ang isa pa nilang kamag-anak na si “Shiela”,4 nang magkayayaang maligo sa spillway na konektado sa ilog na tinatayang kalahating kilometro ang layo mula sa kanilang mga bahay.

Gayunman, habang nagtatampisaw sa spillway ay napunta ang mga biktima sa malalim na bahagi ng ilog at nalunod.

Nasaksihan ito ni Shiela kaya kumaripas nang takbo at humingi ng tulong kay Roberto Ilanan, tatay ng isang nalulunod na bata na mabilis na pinuntahan ang lugar.

Nakuha ang mga walang malay na biktima mula sa ilalim ng ilog at isinugod sa pagamutan, pero lahat sila ay hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with