^

Police Metro

PUV operators ipatatawag kapag ipinambili ng ibang bagay ang fuel subsidy

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipatatawag ang mga operators ng public uti­lity vehicle (PUV) kapag nadiskubre na ipinambili ng ibang bagay maliban sa krudo ang fuel subsidy para sa mga tsuper.

Ito ang babala kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)-National Capital Region Director Zona Russet Tamayo dahil ang partikular na tulong na ibinibigay ng gobyerno sa mga drivers ay para lamang sa pagbili ng krudo o gasolina.

“Ito po ay fuel subsidy po kaya…reiterate, pinapaalalahanan po natin ang ating mga beneficiaries na ito pong naka-load po sa inyong cards ay maaari lamang pong gamitin sa pag-purchase po ng fuel,” ani Tamayo sa Laging Handa online press briefing.

Hindi aniya maaa­ring i-withdraw ang pera sa ATM para ipambili ng ibang gamit.

Bagaman at hindi binanggit ni Tamayo kung anong parusa ang ipapataw sa hindi susunod sa panuntunan tungkol sa paggamit ng fuel subsidy ay tiniyak ni Tamayo na ipatatawag ang mga operators.

Nakatitiyak si Tamayo na ire-report sa kanila ng Land Bank of the Philippines sakaling may mamo-monitor silang transaksiyon sa isang account. - Angie dela Cruz

vuukle comment

LTFRB

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with