Alert Level System ipapairal na sa buong Pinas
MANILA, Philippines — “Simula ngayong Lunes, buong bansa naka-Alert Level System na.”
Ito ang sinabi kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, na unang ipinatupad sa National Capital Region (NCR).
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan ni Pang. Duterte ang nationwide implementation ng Alert Level System sa pagtukoy sa mga restriksiyon dahil sa banta ng COVID-19.
Sa ilalim ng Executive Order 151, ang bagong Alert Level System ay umiiral na ngayon sa NCR, Regions 3, 4, 6, 7, 10 at 11 at unti-unting ipatutupad sa Regions 2, 8 at 12 para sa Phase 2; Regions 2, 5 at 9 para sa Phase 3; at Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 4B at 13, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa Phase 4.
Sinabi pa ni Densing na ang community quarantine COVID-19 response ay aalisin na sa Disyembre at papalitan ng granular lockdowns at iba pang Alert Level System, na higit na mas epektibo.
Sa ngayon ang NCR pa lamang ang tanging rehiyon sa bansa na kuwalipikadong maibaba sa Alert Level 1 sa susunod na buwan.
- Latest