^

Police Metro

Higit 2K booster shots naiturok na sa mga health workers

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 2,488 booster shots ang naibigay ng Department of Health (DOH) sa mga medical workers sa bansa kung saan nakapagtala ng ilang hindi magandang reaksyon.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 2% ang naitalagang ‘adverse reactions’ tulad ng lagnat at pananakit ng lugar na tinurukan ng bakuna.

“These were all mild reactions such as pain in the vaccination site. Me­rong nagkaroon ng lagnat, me­rong sumakit ang ulo, meron namang iba na tumaas ang blood pressure,” ayon kay Vergeire.

Bukod sa mga ito, wala namang seryosong reaksyon sa bakuna na naitalaga sa mga vaccination sites at maayos namang napamahalaan ang ­naturang mga insidente.

Ipinaalala ni Vergeire na hindi pa pinapayagan ang mga pribadong kumpanya na magbigay ng booster shots o ikatlong dose sa kanilang mga empleyado kung hindi naman sila ­senior citizens o kaya ay may comorbidities.

vuukle comment

DOH

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with