^

Police Metro

Pastor at maka-diyos ilalagay sa gabinete ni Pacquiao

Gemma Garcia - Pang-masa
Pastor at maka-diyos ilalagay sa gabinete ni Pacquiao
Ito ang sinabi ni Pacquiao sa pagharap sa nasa 400 pastor sa Guiguinto, Bulacan kamakalawa kung saan nangako siya ng isang gabineteng maka-Diyos sakaling manalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mga pastor at maka-Diyos ang ilalagay sa Gabinete ni presidential aspirant Senador Manny Pacquiao kung palarin sa 2022 national elections.

Subalit, agad nitong nilinaw na bagama’t, nais niyang maglagay ng pastor o taong maka-Diyos sa gabinete ay iaayon pa rin niya ito sa kanilang kakayahan na mamuno o humawak ng posisyon sa pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Pacquiao sa pagharap sa nasa 400 pastor sa Guiguinto, Bulacan kamakalawa kung saan nangako siya ng isang gabineteng maka-Diyos sakaling manalo.

“Hindi rin naman tayo basta-basta mag-appoint  as long as they are godly. Nararapat lamang sa posisyon niya.Halimbawa, boxing ang labanan, hindi mo pwedeng ilagay d’yan ’yung swimmer. Kumbaga, kung ano ang fit sa trabaho niya at kaya niyang gampanan, du’n natin siya ilagay dahil d’yan, marami siyang magagawa,” ayon pa kay Pacquiao.

Tila pinasaringan naman ng Senador ang kalaban sa pagkapangulo na si dating Senador Bongbong Marcos kaugnay sa pangako na ibabalik ang mga ginto sa mamamayan kapag nanalo.

Maliban kay Marcos ay binanatan din nito ang iba pang mga magnanakaw sa gobyerno na todo kapit sa posisyon.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with