Kelot timbog sa P2.5 milyong shabu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation ang isang 33-anyos na lalaki at nasamsam ang nasa P2,577,000.00 halaga ng iligal na droga sa Parañaque City, kamakalawa.
Kinilala ang naarestong suspek na si Joey Sotto De Leon, residente ng Pasay City.
Sa ulat, dakong alas-4:15 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation ng Parañaque DEU habang umalalay naman ang Baclaran Sub Station, sa harapan ng Original Sea Food Building Market sa Roxas Blvd. Service Road North Bound, Barangay Baclaran,
Tatlong medium transparent plastic ng shabu, na may kasama pang pitong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng kabuuang 379 gramo ang nakumpiska sa suspek.
- Latest