^

Police Metro

3 nakamotor patay sa bangga

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao na sakay ng kanilang mga motorsiklo ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente ng pagbangga sa lalawigan ng Quezon at Albay.

Sa bayan ng Sariaya, Quezon ay kapwa hindi na umabot pang buhay sa ospital sina Van Jerick Cayabat, 19, binata at angkas niyang si Jerson Sarion 24, binata ng Barangay Calumpang, Tayabas City.

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi ay minamaneho ni Cayabat ang kanyang motorsiklo at angkas si Sarion nang sumalpok sa isang nakaparadang trak sa gilid ng Maharlika highway, Barangay Gibanga ng bayang ito.

Nadala pa ang mga biktima sa Lucena Uni­ted Doctors Hospital (LUDH) sa Lucena City, subalit sa daan pa lamang ay kapwa nalagutan na ng hininga.

Sa Tabaco City, Albay ay dead on arrival din sa ospital ang rider na si Gregg Angelo Cencil Durante, 26, residente ng Purok-2, Brgy. Quinastillojan matapos na suma­l­pok ang minamanehong motorsiklo sa kasalubong na truck na minamaneho ni Allan Sebastian Llarves, 46, ng Valen­zuela City sa kahabaan ng national highway ng Purok-7, Brgy. San Antonio ng lungsod na ito. - Jorge Hallare

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with