^

Police Metro

Bayan ang nakinabang sa patayan sa droga — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mamamayan ang naki­nabang sa sinasabing mga patayan dahil sa ilegal na droga.

Ayon kay Duterte, kung totoo ang sinasabi ng mga human rights tungkol sa mga patayan, hindi naman siya ang nakinabang at lalong hindi ang kanyang pamilya.

“Ipalagay na natin totoo ‘yang sinabi, ipagpalagay na natin totoo ‘yang sinabi ng human rights, p***** i** sinong nakinabang diyan? Ako? Ako ang nakinabang? Pamilya ko? Nakinabang sila diyan sa p***** i**** mga patay na ‘yan? Sino? Sinong nakinabang? Kayo, ang anak ninyo, ang bayan natin ang nakinabang,” ani Duterte.

Idinagdag pa ni Du­terte na siya at ang buhay ng pamilya niya ang nalagay sa alanganin at hindi naman umano siya milyonaryo para pabantayan ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Tinawag din ni Duterte na mga ulol ang mga human rights na nanga­ngalampag tuwing may napapatay sa diumano’y sangkot sa ilegal na droga.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with