^

Police Metro

Populasyon ng Pinas umabot na sa higit 109 milyon – PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pumalo na sa mahigit 109 milyon ang populasyon ng Pilipinas hanggang Mayo 2020.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot na sa 109,035,343 ang populasyon ng bansa batay sa tala noong May 1, 2020.

Ang bilang ay may pagtaas ng 8.05 milyon mula sa census na isinagawa noong 2015 kung saan 100,981,437 ang populasyon ng Pilipinas.

Ang mga rehiyong may pinakamataas na populasyon ay ang CALABARZON, National Capital Region (NCR), at Central Luzon.

Tuwing ika-10 taon isinasagawa ang census ng PSA.

Matatandaang nito lamang buwan ng Marso, sinabi ni Pangulong Duterte na “high time” para sa pamahalaan na rebisahin ang family planning program.

Aniya, apektado ng malaking populasyon ang epek­tibong implementasyon ng COVID-19 protocols, lalo na sa mga urban areas o taga-lungsod.

vuukle comment

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

POPULATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with