Batang Pinoy na stranded sa UAE, tutulungan ng DFA
MANILA, Philippines — Isang batang Pinoy na may “special needs” at stranded ngayon sa United Arab Emirates (UAE) kasama ang kanyang mga magulang ang tutulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa travel ban na ipinatutupad ngayon ng gobyerno.
Inatasan na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. si Foreign Affairs Usec. Sarah Lou Ysmael Arriola na tingnan ang sitwasyon ng batang si Lucas Iñigo Ricamora at kanyang mga magulang.
Isang concerned netizen ang nag-tweet ng kalagayan ng pamilya Ricamora na hindi makauwi sa Pilipinas.
Sa sagot ni Locsin sa tweet, sinabi nito na may espesyal na lugar sa puso ng DFA ang nasabing bata.
“@DFAPHL @slyarriola Sarah, let’s go all out for this kid. He has a special place in DFA heart as you well know,” sagot ni Locsin sa tweet ni Malou Talosig.
Hiniling din ni Locsin sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na tumulong sa pagpapauwi sa pamilya Ricamora.
Ayon kay Talosig, isang overseas Filipino worker (OFW) ang ina ni Ricamora na isang nurse sa UAE na natapos na ang kontrata noong Hunyo.
- Latest